Pinalawig pa ng Greece ang kani lang national coronavirus restrictions ng hanggang Enero 7, 2021.

Ayon kay government spokesperson Stelios Petsas, dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 kaya nararapat na maghigpit sa night-time curfew at ang paglimita sa mga paggalaw.

Dahil dito, mananatiling sarado ang mga paaralan, restaurants, bars, entertainment veues, skiing centers at mga courts.

Papayagan namang magbubukas ang mga seasonal shops lalo ngayong panahon ng kapaskuhan.

Babala pa nito na kapag niluwagan ang restrictions ay tiyak na pagbabayaran ng kanilang mamamayan ito.