Nagpasya ang Greece Olympic Committee na kanselahin na ang torch relay para sa 2020 Tokyo Games dahil sa banta ng coronavirus.

Ipapasakamay na lamang ang Olympic flame sa Tokyo organizers na magsisimula sa March 19.

Nagtala naman ng 117 na kaso ng coronavirus ang Greece kung saan isa ang namatay matapos ang pananatili nito sa pagamutan.

Magugunitang ipinaggigiit ng Tokyo Olympics Organizers na itutuloy pa rin nila ang Olympic kahit na maraming mga lider ng iba’t-ibang bansa ang nananawagan na ito ay ikansela dahil sa banta ng COVID-19.