Reading Time: 1 minute

CAUAYAN CITY – Patay ang isang kawani ng Pamahalaan matapos barilin ng hindi pa matukoy na pinaghihinalaan sa Brgy. San Jose Norte 1, Mallig, Isabela.

Ang namatay ay si Manny Asprec, 42-anyos, may-asawa, at residente ng nabanggit na baranggay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, naglalakad si Asprec sa daan ng nasabing barangay nang bigla na lamang siyang pagbabarilin ng pinaghihinalaan na sakay ng motorsiklo.

Isinugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang patay ng kaniyang attending physician.