-- Advertisements --

Makakasama na ng Boston Celtics si Gordon Hayward sa laban nila ng Toronto Raptors sa Eastern Conference Semifinals.

Subalit paglilinaw ni Celtics coach Brad Stevens na hindi pa nila matiyak kung makakapaglaro na ito dahil sa kaniyang right ankle sprain.

Natamo nito ang injury noong panalo nila sa game 1 ng Philadelphia 76ers sa first round ng playoffs.

Dadaan muna kasi ang apat na araw na quarantine ito kapag pumasok na siya bubble game sa Orlando.

Hindi lamang ito ang unang beses na lumabas sa bubble si Hayward dahil noong bagong magsimula ang season ay namaalam ito matapos na isilang ang anak nito.

Pang-apat kasi si Hayward sa lead scorer na mayroong 17.5 points per game.