Tumimbang ng 167.8 pounds o bahagyang mabigat si Gennady “GGG” Golovkin habang mayroong 167.4 lbs. naman si Saul “Canelo” Alvarez para sa kanilang trilogy fight sa Las Vegas bukas, Setyembre 18.
Tiniyak ng 40-anyos na Kazakhstan boxer na hindi na niya palalampasin ang pagkakataon na talunin na ang Mexican superstar.
Sa unang paghaharap ng dalawa noong Setyembre 16, 2017 ay nagresulta sa split draw habang noong rematch sa Setyembre 2018 ay tinalo ni Alvarez si Golovkin sa pamamagitan ng majority decision.
Si Alvarez, 32, ay mayroong 57 panalo, dalawang talo, dalawang draw na mayroong 39 knockouts habang ang 40-anyos na si Golovkin ay mayroong 42 panalo, isang talo, isang draw at 37 KOs.
Sa weigh-in pa lamang kanina, jampacked na ang mga fans na bumuhos sa T-Mobile Arena kahit bukas pa ang 12 round championship fight.
Nakataya bukas ang mga korona ni Alvarez sa IBF, WBA, WBC at WBO super middleweight title.
Batay naman sa mga pustahan sa Caesars Sportsbook abanse si Alvarez bilang 5-1 favorite na mananalo umano sa kanyang ikatlong harapan kay GGG.