ILOILO CITY- Namigay na ang mga otoridad sa Shanghai, China ng milyon- milyong doses ng Lianhua Qingwen, isang tradisyonal na Chinese medicine na pinaniniwalaang gamot laban sa COVID-19.
Ayon kay Bombo Intl Correspondent Cristina Caspillo direkta sa China,hindi bababa sa 8 million boxes ng Lianhua Qingwen capsules ang ipinamahagi sa Shanghai sa gitna ng kinakaharap ng lockdown dahil sa outbreak ng Omicron variant.
Sinabi ni Caspillo na bagamat libre, maraming residente ang tumatanggi na tanggapin ang nasabing gamot.
Una nang nag-abiso ang mga health experts na iinumin lang ang nasabing gamot kapag sumasam ang pakiramdam dahil maaari itong magdulot ng stomach o kidney dysfunction.
Ang Lianhua Qingwen pills ang orihinal na nadevelop noong 2003 ng Beijing-based firm Yiling Pharmaceutical upang maging gamot laban sa severe acute respiratory syndrome (SARS) outbreak gamit ang recipe ng 13 herbal extracts.
Mula noon nailista ng health commission ng China ang Lianhua Qingwen bilang official treatment option para sa trangkaso at iba pang respiratory diseases.