Nagbibigay na ng legal na representasyon ang gobyerno ng Pilipinas para maiuwi ang walong Pilipinong kasalukuyang nakakulong sa Myanmar sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Ma.Teresita Daza, patuloy ang ang kanilang koordinasyon para tulungan sila kung saan kabilang ang turistang si Kiela Samson na naaresto sa borders ng Thailand at Myanmar noong nakaraang buwan.
Aniya, maaaring lumabas ang mga Pilipino sa Myanmar pagkatapos makumpleto ang mga proseso ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas partikular na sa immigration.
Ang mga awtoridad ng Myanmar, aniya, ay nangako rin na makikipagtulungan sa Pilipinas hinggil dito.
Kabilang sa walo ang mga umano’y biktima ng human trafficking na iniligtas ng mga awtoridad ng Myanmar mula sa kanilang mga lugar ng trabaho sa Myawaddy.
Kung matatandaan, nanawagan si Daza sa mga Pilipinong gustong magtrabaho sa ibang bansa na sundin ang mga regulasyon ng gobyerno at maging nararapat na irehistro bilang mga overseas Filipino worker sa halip na umalis ng bansa bilang mga turista.