-- Advertisements --

ILOILO CITY- Dobleng pagsisikap ngayon ang ginagawa ng gobyerno ng Australia matapos na idineklarang endangered species ang koala na tinuturing nilang national icon.

Kamakailan lang nang inanunsyo ni Sussan Ley, Australian minister for the environment na ang koala populations sa Queensland, New South Wales (NSW) at Australian Capital Territory (ACT) ay nasa kategorya na na Endangered sa ilalim ng Environment Protection and Biodiversity Conservation Act (EPBC Act) 1999 dahil sa mabilis na pagbaba ng bilang ng nasabing hayop sa east coast ng bansa.

Ayon kay BIC Denmark Suede, naglaan ang gobyerno ng Australia ng $35 million o P1.7billion para sa conservation at recovery ng nasabing mga hayop sa susunod na apat na taon.

Ayon kay Suede, ang tinuturong dahilan ng pagbaba ng koala population ay ang nangyaring wildfires noong 2019 hanggang 2020.

base sa data ng Australian Koala Foundation, noong 2018, nasa 45,000 hanggang 82,000 ang bilang ng koala ngunit noong 2021 ito ay nasa 32, 000 na lamang.