-- Advertisements --

Mayroon ng tinatalakay na plano ang Intellectual Property Office of the Philippines para tuluyang matanggal ang talamak na counterfeiting activities sa Greenhills Shopping Center sa San Juan City.

Ito ay matapos na makasama ang nasabing establishimento sa listahan ng 2022 Notorious Markets for Counterfeiting and Piracy list ng US Trade Representative’s (USTR) 2022.

Sa inilabas kasi na listahan na sa 39 online markets at 33 physical markets sa buong mundo ay napabilang pa ang Greenhills sa San Juan.

Ayon kay IPOPHL Director General Rowel S. Barba na dahil sa listahan ay apektado ang reputasyon ng bansa.

Makailang beses din aniya nagsagawa ng raid ang mga otoridad kung saan noong Abril 2022 ay nakakumpiska ang mga ito ng aabot sa $1.4 milyon na halaga ng mga pineke na luxury goods.

Ilan sa mga hakbang na kanilang iminungkahi ay ang pag-utos sa Greenhills na dapat istrikto nitong bantayan ang mga seller nito.

Isa rin na iminungkahi ay ang pagpataw ng mabigat na multa sa mga nagbebenta ng mas mataas na multa.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa city government ng San Juan kung saan tiniyak ni San Juan City Mayor Francis Zamora na kanilang papatawan ng mabigat na parusa ang mga nagbebenta ng pekeng kagamitan sa lugar.