-- Advertisements --

Tinitingnan ng pamahalaan ang mga posibleng tulong para sa mga middle-income earners na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at bilihin.

Ayon kay Finance Undersecretary Karlo Fermin Adriano, isa sa mga napag-uusapan sa loob ng UPLIFT Committee ang posibilidad na palawigin ang fuel discounts hindi lamang sa public utility vehicles kundi pati narin sa mga private motorists.

Ang UPLIFT Committee, na binuo sa ilalim ng Executive Order No. 110 (2026), ang siyang nangunguna sa tugon ng gobyerno sa krisis sa enerhiya na dulot ng tensyon sa Middle East.

Layunin ng komite na mapanatiling stable ang presyo ng fuel at pagkain, at magbigay ng tulong sa iba’t ibang sektor tulad ng mga magsasaka, mangingisda, at transport workers sa pamamagitan ng mga targeted subsidies at interbensyon.

Ayon sa DOF, kinikilala ng pamahalaan na hindi lamang mga tsuper ng pampublikong sasakyan ang naaapektuhan ng mataas na presyo ng gasolina, kundi pati na rin ang mga pribadong motorista.