Ibinunyag ni Glaiza de Castro na nagpositibo ito sa COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).

Ayon sa 33-year-old actress, wala itong anumang sintomas pero nagpositibo sa virus nang sumailalim sa RT-PCR (reverse transcription polymerase chain reaction) test.

Kaaga naman aniya siyang nag-isolate at ilang araw na hindi lumabas sa kaniyang condo.

Sa ngayon ay nagnegatibo na siya sa COVID-19 nang magpa-swab test muli.

Disyembre noong nakaraang taon nang maging engaged si Glaiza sa kanyang Irish boyfriend of two years.