-- Advertisements --
Naturukan na ng COVID-19 vaccines ang actress na si Glaiza de Castro.
Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan habang tinuturukan ng bakuna.
Nakasuot ito ng T-shirt na may nakasulat na “swerteng bata”.
Isa lamang ang actress na naturukan na ng COVID-19 vaccines na una ay kinabibilangan nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Bianca Gonzales, Ogie Alcasid, Sharon Cuneta at maraming iba pa.
Nasa kategorya ng A4 ang mga entertainment workers at mga celebrities kabailang ang mga delivery service riders, self-employed, media at ilang mga manggagawa.