Muling iginiit ni Russian President Vladimir Putin na matutuldukan lamang ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine sa oras na tumigil na sa panghihimasok ng Estados Estados.
Sa isang panayam ay matapang na sinabi ni Russian President Putin na matitigil lamang ang naturang kaguluhan kung titigil ang Amerika na magsupply ng mga armas sa Ukraine.
Aniya, sa oras na itigil na ng Amerika pagsusuplay ng mga armas at iba pa sa Ukraine ay tsaka lamang maging posible ang pagsasagawa ng kasunduan ng Russia sa Estados Unidos upang ibigay ang teritoryo ng Ukraine para sa tuluyang pagwawakas ng naturang digmaan.
Kasunod nito ay binigyan-diin din ng Russian President na hinding-hindi matatalo ang Russia kahit na ang Ukraine ay nakakuha ng suporta mula sa US, European at NATO.