-- Advertisements --

Naibenta sa auction ang electric guitar mula sa sikat na gitaristang si Eddie Van Halen sa halagang $2, 734,000 o katumbas ng mahigit P150-M.

Ayon sa Sotheby auction house, na ito ay ang Kramer guitar na unang ginawa at tinugtog.

Tinawag itong “Kramer Ad” na mula sa advertisement ng nasabing gitara.

Iginaya ito sa unang gitara ni Van Halen na Frankenstein na mayroong kumbinasyon ng kulay itim, pula at puti.

Ginawa ito noong 1982 at ginamit niya sa mga live shows niya noong 1982 at 1983 sa mga bansang Argentina, Venezuela at Brazil.

Iniregalo ni Van Halen ang gitara sa kaniyang technician na si Rudy Leiren kung saan mayroon pa itong isinulat na dedikasyon para sa kaniya.

Ibinenta naman ni Leiren ang gitara kay Mick Mars ang gitarista ng Motley Crue.