-- Advertisements --

Naibenta sa halagang $5.3-M o katumbas ng P291.5-M ang isang meteorite na galing sa planetang Mars.

Ayon sa Sotheby auction sa New York , na ito na ang pinakamalaking pirasong meteorite o kilala bilang NWA 16788.

Hindi na pinangalangan ang nakabili ng nasabing meteorite.

Mayroong bigat ito na 24.5 kilos na mas malaki sa alinmang uri ng Martian meteorites.

Ang meteorites ay siyang tira kapag ang comet, asteroid o meteoroids ay dumaan sa atmosphere ng mundo.

Nadiskubre ito sa Agadez region sa Niger noong Nobyembre 2023.

Maituturing na ito ay kakaiba dahil nasa 400 lamang na piraso na mga Martian meteorites ang natagpuan sa mundo.