Nauna nang nagproklama ng panalo si Giorgia Meloni bilang bagong prime minister ng Italy matapos na manguna sa general election.
Kung sakali man, siya ang kauna-unahang far-right leader mula World War II.
Base sa 63.91% initial vote turnouts mula sa Italian Interior Ministry, nangunguna ang partido ni Meloni na Brothers of Italy na nakakuha na ng 26.37% votes na malaki ang agwat sa pumapangalawang Democratic Party na nakakuha ng 19.31% votes.
Nangangahulugan ito na malaki ang tyansa ng 45-anyos na politician at journalist na maging kauna-unahang babaeng prime minister ng Italya.
Kontrolado naman ang parehong kapulungan ng parliyamento, ang Senate at Chamber of Deputies ng right-wing alliance ni Meloni na Matteo Salvini’s League at Forza Italia ni dating PM Silvio Berlusconi na kapwa nagsilbi sa ilalim ng pamumuno ng outgoing PM Mario Draghi.
Matapos ang botohan, nangako si Meloni na mamumuno siya para sa lahat ng Italians at hindi niya sila bibiguin sa pagtitiwala sa kaniya.
Si Giorgia Meloni ay nanilbihan din bilang miyembro ng Chamber of Deputies sa Italy mula noong 2006 kung saan siya ang kasalukuyang head ng Brothers of Italy political party at presidente ng European Conservatives and Reformists Party mula noong taong 2020.