-- Advertisements --

Tinambakan ng Barangay Ginebra ang Magnolia Hotshots 103-80 para makuha ang 2-1 na kalamangan sa best of five semifinals ng PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Kontrolado ng Barangay Ginebra ang laro mula sa simula at hindi na nila hinayaan na makalamang pa ang Magnolia.

Bumida sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 38 points, nine rebounds at pitong assists habang mayroong 20 points si LA Tenorio.

Nasayang naman ang nagawang 16 points ni Jio Jalalon at 10 pints naman ni Magnolia import Nick Rakocevic.