-- Advertisements --
Pasok na sa finals ng PBA Governor’s Cup ang Barangay Ginebra matapos ilampaso ang NLEX 112-93 sa best of five semifinals.
Bumida sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 47 points.
Ito na ang pang apat na beses na makapasok ang Ginebra sa Governors Cup finals sa huling limang seasons.
Nag-ambag naman ng 20 points si Jeff Chan habang mayroong 14 points si LA Tenorio.
Hihintayin na lamang ng Ginebra ang sinumang manalo sa pagitan ng Meralco Bolts at Magnolia Hot Shots.