-- Advertisements --
Natikman ng Barangay Ginebra ang unang talo sa kamay ng Magnolia Hotshots 102-92 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup na ginanap sa Angeles University Foundation.
Hawak pa ng Ginebra ang kalamangan 72-64 hanggang nahabol nila ito pagsapit ng last quarter.
Bumida sa panalo ng Magnolia si Jackson Corpuz na mayroong 20 points at anim na rebounds habang mayroong 15 points si Paul Lee at 14 points, 8 rebounds naman ang nagawa ni Ian Sangalang.
Dahil dito ay mayroon ng apat na panalo at isang talo na ang Ginebra.