Brgy Ginebra
Brgy Ginebra

Nakuha ng Barangay Ginebra ang 2-1 na kalamangan sa best of seven finals nila ng Meralco Bolts sa score na 92-84.

Bumida sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 24 habang mayroong 23 points si Japeth Aguilar at 21 points si Stanley Pringle.

Tila nabunutan naman ng tinik sa dibdib si Ginebra coach Tim Cone matapos na natapatan nila ang galing ng Bolts at nakabawi sila sa pagkatalo noong game 2.

Sinamantala rin ng Gins ang pagkawala ni Raymond Almazan na nakaranas ng injury sa tuhod sa first quarter na hindi na nakabalik sa buong laro.