CAUAYAN CITY – Todo tanggi ang isang Ginang matapos masangkot sa pagtutulak ng illegal na droga sa Purok 3, Brgy Dubinan West, Santiago City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang suspect ay itinago sa pangalang Marie, 50 anyos, self employed, may asawa at residente ng Barangay Patul, Santiago City.
Sa pakikipagtulungan ng Santiago Drug Enforcement Unit-Police Station 2, City Intelligence Unit ng SCPO, 3rd Platoon Sinsayon Patrol Base City Mobile Force Company at PDEA Region 2 ay inilatag ang isang anti-illegal drug buy-bust operation na nagresulta sa pagkaka-aresto ng suspect.
Ayon sa ulat ng mga awtoridad bitbit ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ay nakipagtransaksyon umano ang pinaghihinalaan sa isang pulis na nagsilbing buyer kapalit ng P1,500.
Mariin namang itinatanggi ng ginang ang paratang ng pagtutulak at nagtataka umano sa naging proseso sa pagdakip sa kaniya.
Itinatanggi ng pinaghihinalaan na patuloy siyang gumagamit ng illegal na droga at nanindigang nagbagong buhay na .
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kakaharapin ng pinaghihinalaan na ngayon ay nasa pangangalaga na ng SCPO Station 2.