Tinambakan ng Gilas Pilipinas ang Vietnam 110-69 sa nagpapatuloy na Southeast Asian Games.

Naging bida sa panalo ng laban si June Mar Fajardo na mayroong 23 points at 12 rebounds.

Sa unang quarter ng laro ay naitabla pa ng Vietnam sa all-16 hanggang tuluyang naungusan sila ng Beermen.

Nag-ambag naman ng tig 14 points sina LA Tenorio at Vic Manuel at tiyak na ang semifinal spot.

Susunod na makakaharap ng Gilas ang Myanmar sa araw ng Sabado.