-- Advertisements --
Itinuloy na ng Gilas Pilipinas ang kanilang ensayo nitong Lunes ng gabi bilang paghahanda sa Southeast Asian Games sa Cambodia na gaganapin sa susunod na buwan.
Sinabi ni Gilas coach Chot Reyes na mayroong 10 manlalaro niya ang nakadalo sa ensayo kaya minabuti nilang isagawa ang ensayo.
Itinuturing nito na ito ang tunay na ensayo para sa Mayo 5 SEA Games sa Cambodia.
Kumpara noong nakaraang linggo ay hindi natuloy ang kanilang ensayo matapos na mangilan-ilan lamang nakadalong manlalaro.
Ilan sa mga nakadalo sa ensayo ay sina CJ Perez, Chris Ross, Marcio Lassiter, Chris Newsome, Aaron Black, Arvin Tolentino, Brandon Ganuelas-Rossier, Mason Amos, Michael at Ben Philipps.