-- Advertisements --

Mangunguna sina Kai Sotto at Angelo Kouame na manlalaro ng Gilas Pilipinas na lilipad sa Jordan para sa fifth window ng FIBA World Cup Asian qualifying game.

Nitong Lunes ng gabi ng umalis ang Gilas Pilipinas patungong Jordan.

Makakaharap kasi ng Gilas ang Jordan sa Nobyembre 11 habang ang Saudi Arabia sa Nobyembre 13.

Ang pagsama ni Sotto ay base na rin sa isinagawang pakikipag-ugnayan ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) sa Australian Basketball League.

-- Advertisement --

Bukod sa dalawa ay makakasama nila sina Scottie Thompson ,Japeth Aguilar ,Jamie Malonzo, CJ Perez, Roger Pogoy, Calvin Oftana ,Poy Erram, Arvin Tolentino at Kevin Quiambao.