Ikinokonsidera ng Gilas Pilipinas na maging naturalized player nila ang beteranong import ng Barangay Ginebra na si Justin Brownlee at TNT import na si Cameron Oliver.
Ayon kay Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na nakumpleto na ni Brownlee ang ilang mga kakailanganing dokumento para maging Filipino na naayon sa batas.
Habang ang 6-foot-8 forward na si Oliver ay patuloy ang pagkuha nito ng mga dokumento.
Si Oliver kasi ay naglaro na rin sa Houston Rockets at Atlanta Hawks ng NBA.
Pupunan nila ang naiwang puwesto ni Jordan Clarkson na nakasama ng national basketball team noong 4th window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Sa patakaran kasi ng FIBA ay pinapayagan lamang nila ang isang naturalized player maliban lamang kapag ito ay nagpasya na manirahan sa bansa.
Magugunitang ng ilang mga naturalized player ng Gilas Pilipinas ay sina Marcus Douthit, Andray Blatche at Ange Kouame.
Sakaling maaprubahan ang naturalization nina Brownlee at Oliver ay mayroon ng tatlong manlalaro na pagpipilian ang national basketball team.