-- Advertisements --

Walang sinasayang na panahon si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na simulan ang ensayo nila kahit wala pang mga pangunahing manlalaro nila.

Ang nasabing ensayo ay bilang paghahanda ng ika-anim at huling window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin sa Pebrero sa bansa.

Ayon kay Reyes na ginamit na lamang nito at sinanay ang ilang mga baguhan gaya nina Jerom Lastimosa, Mason Amos at Schonny Winston.

Nakasabay ng mga baguhang manlalaro si Gilas veteran JuneMar Fajardo.

Masyado pa maaga pa ngayon aniya kung mayroon na itong napipiling final 12 na isasabak sa nabanggit na torneo.

Makakalaban ng Gilas ang Jordan sa Pebrero 24 habang sa Pebrero 27 ay ang Lebanon na gaganapin ang mga ito Philippine Arena.