-- Advertisements --
Nabigo sa pangalawang pagkakataon ang Gilas Pilipinas sa kanilang tune-up games sa Finland 89-95 sa laro na ginanap sa Estonia.
Sa simula pa lamang ng laro ay umarangkada na ang Finland kung saan umabot pa sa 31 points ang kanilang kalamangan sa 2nd quarter.
Nasayang ang nagawang 15 points ni Dwight Ramos at 11 points naman ni Justin Brownlee.
Magugunitang nitong Martes ay tinalo ng Estonia ang Gilas 81-71.
Sinabi naman ni Gilas coach Chot Reyes na may mga adjustment na silang inaayos na maaring maging epektibo sa FIBA Basketball World Cup sa buwan ng Agosto.