-- Advertisements --

Mayroon pang hanggang dalawang manlalaro ang hinihintay ng Gilas Pilipinas para tuluyan na nilang masimulan ang bubble training sa Inspire Sports Academy sa Calamba.

Sinabi ni National team manager Gabby Cui na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Samahang Basketball ng Pilipinas sa dalawang bagitong manlalaro.

Ilan sa mga dito ay sina Dwight Ramos at Juan Gomez de Liano na nangibabaw sa second window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers sa Manama, Bahrain noong Nobyembre.

Mayroong average points na 12.7 points , 5.7 rebounds, 2.3 assists at 1.7 steals ang 6-foot-4 na Filipino-American na si Ramos.

Habang ang 5-foot-11 na si Gomez Liano ay mayroong average na 12 points, 3 rebounds at 3 assists.

Ilang mga manlalaro na sasabak sa training ay si Kemark Carino, William Navarro, Dave Ildefonso, Javi Gomez de Liano, Calvi Oftana, Justine Baltazar, Rey Suerte, Mike at Matt Nieto at ang target na naturalized player na si Ange Kouame.