-- Advertisements --
Posibleng manggaling karamihan sa mga lokal na liga ang bubuo ng Gilas Pilipinas sa pagsabak nila sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifier sa buwan ng Nobyembre.
Ayon kay Gilas coach Chot Reyes na bukod sa PBA ay may ilang manlalaro na rin mula sa UAAP at NCAA ang kanilang pinagpipilian na maging bahagi ng national basketball team.
Nakausap na rin aniya ng Samahang Basketball ng Pilipinas ang dalawang local league na kung maaari ay magpatupad ng break para magbigay daan sa mga manlalaro na sasabak sa nasabing torneo.
Sa kasalukuyan ay mayroong tatlong panalo at tatlong talo ang Gilas kung saan makakaharap nila ang Jordan sa Nobyembre 10 habang ang Saudi Arabia naman sa Nobyembre 13.