Naging masaklap ang pagkatalo ng Gilas Pilipinas sa kamay ng Jordan 91-90 sa kanilang huling laro ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Philippine Arena.
Nasayang naman ang nagawang 41 points, 12 rebounds at tatlong assists ni Justin Brownlee.
Nag-ambag naman ng 11 points at limang rebounds si Jamie Malonzo.
Isinisi naman ni Gilas coach Chot Reyes ang mahina nilang pagsisimula ng laro kung saan nahayaan nilang makaarangkada ang Jordan sa first quarter 33-14.
Naitabla pa ng Gilas sa 88 sa natitirang 1:49 sa last quarter subalit nakontra ni Caden Alnajdawi ang depensa ng Gilas.
May tsansa pa sanang maipanalo ng Gilas ang laban sa pamamagitan ni Scottie Thompson ng makakuha siya ng foul subalit hindi nito naipasok ang dalaw nitong free throws at hindi naman naipasok ni Ray Parks ang bola.
Mayroon ng anim na panalo at apat na talo ang Gilas na kaparehas ng Jordan sa Group E.