Walang balak na magpahinga pa ang Gilas Pilipinas tatlong araw bago ang pormal na pagsisimula ng FIBA Basketball World Cup.
Ito ay matapos na mabigo sila Mexico 84-77 na siyang pangatlo at huling tune-up games nitong Lunes ng gabi.
Ayon kay Gilas coach Chot Reyes na sasamantalahin nila ang tatlong araw na ituon ang panahon para sa ensayo at ng hindi masira ang momentom sa paglalaro.
Sa unang araw kasi ay agad na sasabak kontra sa Dominican Republic na pinangungunahan ni NBA star Karl Anthony-Towns.
Itinuturing kasi ni Reyes si Anthony-Towns bilang NBA All-Star first team player.
Susunod na laban ng Gilas matapos ang Dominican Republic ay kontra sa Angola sa Agosto 27 sa Araneta Coliseum at laban naman sa Italy sa Agosto 29 sa parehas na venue.
Target ng Gilas na maipanalo ang dalawang laban sa Pool A.
Inihayag din ni Reyes na dahil natapos na ang mga tune up games ay mailalabas na niya ang final 12 na sasabak sa World Cup.