-- Advertisements --
Itinuturing ng Gilas Pilipinas na isang aral ang kanilang pagkatalo sa tune-up games niila kontra sa Estonia 81-71.
Nasa Estonia kasi ang national basketball team ng bansa bilang paghahanda sa FIBA Basketball World Cup sa buwan ng Agosto.
Sa simula pa lamang kasi ng laro ay umarangkada na agad ang Estonia.
Isang malaking hamon ang laban para Gilas ang laban dahil sa kawalan ni Justin Brownlee matapos na magtamo ng injury sa third quarter.
Napababa pa ng Gilas ang puntos 63-66 sa pagtatapos ng third quarter subalit naibalik ng Estonia ang momentum hanggang maipasok ni Joonas Riisnaa ang three points nito sa natitirang 10.7 seconds ng laro.