-- Advertisements --
Gilas Pilipinas
Gilas Pilipinas

Walang sinayang na panahon si Gilas Pilipinas coach Yeng Guaio para paghandaan ang nalalapit na FIBA World Cup na gaganapin sa China sa katapusan ng buwan.

Kahit na siyam na manlalaro lamang ang nakadalo sa ensayo nila kagabi sa Meralco Gym ay ipinagpatuloy nila ito.

Nagtamo kasi ng mild groin strain injury mula sa paglalaro ng walong araw sa Spain si Gabe Norwood subalit inaasahan na ito ay makakabalik sa mga susunod na araw.

Hindi naman itinago ni Guiao ang paghanga nito sa dalawang rookie na sina CJ Perez at Robert Bolick na naging maganda ang ipinakitang laro ng mga ito sa training camp.

Mayroon pang dalawang tune-up games na gagawin ang Gilas ito ay sa pagbisita ng bansa ng Adelaide 36ers ng National Basketball League (NBL) ng Australia bago ang pagtungo nila sa China sa Agosto 29.