Agad na magsasagawa ng ensayo ang Gilas Pilipinas pagdating nila ngayong araw para sa isang laro nila kontra sa Saudi Arabia sa araw ng Lunes.
Sinabi ni Gilas coach Chot Reyes na wala silang sasayangin ng oras para mapunan ang mga pagkukulang nila noong talunin sila ng Lebanon nitong Biyernes ng madaling araw.
Inamin kasi ni Reyes na nagkaroon ng hindi pagkaka-pamilyar ng bawat manlalaro dahil sa kakulangan ng ensayo.
Mayroon ng dalawang panalo at tatlong talo ang Gilas sa Group kung saan inasahan na makakabawi sila sa pagharap sa Saudi Arabia.
Nabigo kasi ang Saudi sa New Zealand 89-65 sa Group E match na ginana sa Damman Green sa Saudi Arabia.
Mayroon pang apat na matches sa Group na gaganapin sa Nobyembre at Pebrero para malaman ang mga koponan na kabilang sa final World Cup draw na magiging host dito ang Pilipinas kasama ang Japan at Indonesia mula Agosto hanggang Setyembre 2023.