-- Advertisements --

Hinihintay lamang ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ang pagdating ng ilang mga Filipino basketball players na naglalaro ngayon sa ibang mga liga mula sa ibang bansa para doblihin ang kanilang ensayo para sa November window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ayon kay Reyes na posible sa susunod na linggo ay darating sa bansa sina Dwight Ramos na naglalaro sa Levanga Hokkaido, Ray Parks na naglalaro sa Nagoya Diamond Dolphins, Kiefer Ravena ng Shiga Lakers at Thirdy Ravena ng San-En NeoPhoenix.

Sakaling dumating na sa bansa ang nasabing mga manlalaro ay dodoblehin nila ang kanilang pag-eensayo.

Bagamat patuloy ang ginagawang pakikipag-usap ng Samahang Basketball ng Pilipinas sa Adeilade 36ers para makuha si Kai Sotto.

Unang makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Jordan sa Nobyembre 10 habang ang Saudi Arabia naman sa Nobyembre 13.