-- Advertisements --
Giant Parrot
Giant Parrot

Ibinunyag ng mga mananaliksik sa Australia na mayroong isang higanteng parrot ang nagpagala-gala sa New Zealand mahigit 19-milyong taon na ang nakakaraan.

Nakita ang sinasabing labi nito sa bahagi ng St. Bathans sa Otago region sa New Zealand.

May taas ito na 3-foot-2 at tinatayang nasa kalahati ang taas nito sa karaniwang height ng isang ordinaryong tao.

Ayon pa sa mga researchers, posible rin na hindi ito nakakalipad at ito ay carnivorous.

Malaki ang paniniwala ng mga paleontologist na ang mga buto ay galing sa agila o pato.

Dalawang beses pa itong mas mabigat sa kākāpo na may bigat na 7 kilos.