getaway vehicle
Getaway car/ PNP photo

Narekober na ang getaway vehicle ng mga suspek na nanunog ng vote counting machine at election paraphernalia sa Jones, Isabela, Martes ng umaga.

Natagpuan ang nasabing sasakyan sa Barangay Quezon, San Isidro, Isabela.

Sa report na inilabas ng Isabela-Philippine National Police (PNP), sinunog ng tatlong hindi nakikilalang lalaki ang sasakyang Mazda 4×4 pick-up.

Binuhusan umano ng gasolina ang sasakyan bago sinilaban at agad na tumakas lulan ng motorsiklo patungo ng Santiago City.

Isang babae na nakakita sa insidente ang kinukuhanan ng pahayag ng mga pulis.

Una rito, hinarang ng mga armadong lalaki ang isang dump truck na may lulang vote counting machine at election paraphernalia sa Jones.

Iniimbestigahan na ng PNP at Armed Forces of the Philippines ang insidente.