-- Advertisements --

Inaprubahan ng gobyerno ng Germany ang hiling ng Poland na ilipat sa kanila ang limang Soviet-de-signed MiG-29 fighter jets.

Ang nasabing mga fighter jets ay ibibigay ng Poland sa Ukraine para tuluyang itaboy palayo ang Russia.

Kinailangan pa kasi ng Poland na ipaalam sa Germany para sa pagpapadala ng natitirang mga fighter jets sa ikatlong bansa.

Sinabi ni German Defence Minister Boris Pistorius na ang nasabing desisyon ay pagpapasya nilang dalawa.

Namana kasi ng Germany ang nasa 24 na MiG 29 jets mula sa German Democratic Republic o GDR na kilala din bilang East Germany noong kasagsagan ng reunification sa taong 1990.

Noong panahon na iyon ay itinuturing nila itong pinaka-advance na uri ng fighter jets.