-- Advertisements --
Hinikayat ni German Chancellor Olaf Scholz ang China na gamitin nito ang impluwensiya para pagsabihan ang Russia na itigil na ang atake nito sa Ukraine.
Sinabi nito na nakausap niya si Chinese President Xi Jinping na dapat ay sabihan ang Russia sa pagtigil nito sa atake sa Ukraine.
Naniniwala ito na ang China ay isang malakas na bansa na kayang magpakalat ng kapayapaan sa mundo.
Kapwa hindi sang-ayon ang Germany at China sa paggamit ng nuclear weapon sa giyera dahil maraming mga inosenteng buhay ang mawawala.
Umaasa ito na matugunan ng China ang nasabing pakiusap niya para matigil na ang paglusob ng Russia sa Ukraine.