Naging matagumpay ang pagbabalik n dating world flyweight champion Geje Eustaquio matapos talunin si Kim Sung Kyu ng South Korea sa pamamagitan ng unanimous decision.

Sa unang round para lamang ay umarangkada na ang Team Lakay fighter sa laban na ginanap sa Singapore.

Pagpasok ng round ay bahagyang nakabawi ang Korean fighter subalit mabilis namang dumepensa si Eustaquio.

Dahil sa ipinakita ni Eustaquio ay napahanga niya ang tatlong judges kaya nakuha nito ang panalo.