Naging emosyonal si Gary Valenciano sa ginagawang paghahanda nito para sa kaniyang huling major concert.

Gaganapin ang nasabing last major concert nito sa Abril 2020.

Sa ibinahaging larawan ng anak nitong si Paolo, makikitang niyakap ni Angeli Pangilinan, ang asawa nitong si Mr. Pure Energy habang pinaghahandaan ang nasabing concert.

Paglilinaw naman ni Paolo na hindi ito ang huling concert ng ama at ito ay huling major solo concert dahil may mga nakaplano na ibang concert na kasama siya.