-- Advertisements --

Napanatili ng bagyong Gardo ang lakas nito habang patuloy na gumagalaw sa west-southwest direction ng karagatan ng bansa.

Ayon sa PAGASA, nakita nila ang sentro ng bagyo ng 1,125 kilometers ng east ng extreme Northern Luzon.

May taglay ito na hangin na 55 kilometers per hour at pagbugso ng 70 kph.

Binabantayan naman ng PAGASA ang tropical cyclone na Hinnamnor na inaasahang papasok sa bansa ngayong Miyerkules ng gabi o Huwebes ng umaga at ito papangalanang “Henry”.

Mayroon peak na 205 kph ito sa loob ng 24 oras pero ito ay hihina at magiging bagyo lamang pagdating ng Biyernes.