Nanindigan ang pamilya Villar na wala silang ginawang mali ang mga ito sa kabila ng mga reklamong kinakaharap sa Department of Justice.
Matapos ang isinagawang preliminary investigation ukol sa mga reklamo, iginiit ni Atty. Robel Lomibao, abogado ng mga Villar at kumpanya nito na walang nilabag sa batas ang kanyang mga kliyente.
Aniya’y ang kanilang pagdalo sa naganap na pagdinig ng prosekusyon ay layon linisin at pabulaanan ang mga alegasyon at paratang ibinabato sa mga Villar.
Kung maaalala, naghain ng reklamong market manipulatuon, insider trading at misleading disclosures ang Securities and Exchange Commission sa kagawaran.
Laban ito kina former Senators Manny at Cynthia Villar, Senators Mark at Camille Villar, Villar Land Holdings and Corporation at iba pa.
Kaugnay nito’y kanyang ibinahagi na panalangin at umaasa ang kampo ng mga Villar na tuluyang ibabasura na lamang ng prosekusyon ang mga reklamo.
Naniniwala naman ni Senador Mark Villar na walang matibay na batayan o ebidensyang makapagsasabi na may nilabag ito sa batas o intensyon makapanloko.
Ito mismo ang ibinahagi ng kanyang abogado na si Atty. Rhegine Peralta-Abrera.
Paglilinaw ni Senior Deputy State Prosecutor Peter Ong na maaga pa o ‘premature’ para sabihin mababasura lamang ang mga reklamong inihain ng Securities and Exchange Commission laban sa pamilya Villar.
















