Itinutulak ngayon ng isang medical expert na isama na rin sa mga ikokonsiderang panalaban sa COVID-19 ang gamot na “Leronlimab” sa mga pasyente ng COVID-19.
Ito’y makaraang matuklasan na nakatulong umano ito kaya’t nakarekober agad si dating Pangulong Joseph Estrada.
Ayon kay Dr. Randy Nicolas, associate clinical professor for surgery sa UP-PGH, nakatulong ang anti-inflammatory drug na iyon sa pagpapaluwag ng paghinga ng dating presidente.
Naging dahilan umano iyon upang agad na gumaling ang dating chief executive.
Sa isang pahayag, minsang sinabi ni dating Sen. Jonggoy Estrada na umabot sa kritikal ang kondisyon ng kaniyang ama.
Nilagyan pa umano ng tubo ang lalamunan nito para sa maayos na paghinga.
Ang “Leronlimab” ay gawa CytoDyn company na nakabase sa Estados Unidos.
Orihinal itong ginawa bilang panlaban sa human immunodeficiency virus.