Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang chief implementer ng national policy against coronavirus disease ng bansa si Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr.

Sinabi Executive Secretary Salvador Medialdea, pirmado mismo ng pangulo ang memorandum sa pagtatalaga kay Galvez nitong Marso 24.

Sakop ng trabaho ni Galvez na matiyak ang striktong pagpapatupad ng mga panuntunan at protocols na inilalabas ng Inter-Agency Task Force for the management of Emerging Infectious Diseases (IAF-EID).

Ayon naman kay IATF spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, na layon ng National Action Plan (NAP) laban sa COVID-19 ay para gumawa ng hakbang para tuluyang mapigilan ang pagkalat ng virus.