ILOILO CITY – Naglunsad ng fundraising ang Centre for Domestic Employees overseas Filipino workers para sa mga nabiktima ng car crash sa Lucky Plaza Mall sa Orchard road sa Singapore.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Bombo international correspondent Mercy Saavedra Cacan direkta sa Singapore, sinabi nito na tiniyak ng The Ministry of Manpower na makikipagtulungan sa Centre for Domestic Employees upang matulungan ang pamilya ng mga OFW na nabiktima kung saan dalawa ang patay, dalawa ang nakalabas na ng ospital at dalawa ang kritikal.

Sa ngayon, nakalikom na ng 50,000 Singaporean Dollars para sa pagpapagamot ng mga biktima.

Ayon kay Cacan, mismong si Mayor Low Yen Ling, ng southwest district ang bumisita sa mga biktima ng aksidente.

Tiniyak din ng alkalde na mabibigyan ng sapat na tulong medical ang mga Filipino na patuloy na ginagamot sa ospital.