-- Advertisements --

Hiniling ni Fulton County District Attorney Fani Willis na kung maari ay isagawa na sa Oktubre 23 ang pagdinig sa kaso laban kay dating US President Donald Trump at 19 na co-defendent nito sa Georgia.

Kasunod nito sa paghain ng isang defendant na si Kenneth Chesbro ng mosyon para mapabilis ang pagdinig na naayon sa kaniyang karapatan.

Magugunitang isa-isang sumuko sa Fulton County District Jail ang mga dating opisyal ni Trump at sila ay pansamantalang pinakawalan matapos magbayad ng piyansa.

Nagbunsod ang nasabing kaso dahil umano sa tangkang pagbaligtad ni Trump sa resulta ng 2020 election kung saan nagwagi noon si President Joe Biden.