-- Advertisements --

Naging maganda ang pagtatapos ng Phoenix Fuel Masters sa kampanya nila sa PBA Philippine Cup 49th Season matapos talunin nila ang Blackwater 124-109.

Nanguna sa panalo ng Phoenix si Jason Perkins na mayroong 39 points habang mayroong 29 points si Kenneth Tuffin para sa Fuel Masters.

Mayroon ng apat na panalo at pitong talo ang Phoenix habang ang Blackwater ay mayroong dalawang panalo at siyam na talo.

Umabot sa kabuuang walong panalo sa 33 na laro noong 2024-25 campaign ang Phoenix habang ang Blackwater ay mayroong 10 panalo sa kabuuang 33 na laro.