Pumanaw na ang French surfer champion na si Poeti Norac sa edad 24.

Kinumpirma ito ng French Surfing Federation subalit hindi na nila binanggit ang sanhi ng kamatayan nito.

Naging runner-up ang longboard surfer sa French national championship noong 2018 at pumangatlo sa puwesto noong 2016.

Lumipat ito noong nakaraang buwan sa Sunshine Coast sa Queensland.

Nagsimula ito sa nasabing sports sa edad na anim sa bayan nito sa Les Sables-d’Olonne ng eastern France.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga kasamahan nito sa nasabing sports.