-- Advertisements --
Nasa China ngayon sina French President Emmanuel Macron at European Commission President Ursula von der Leyen.
Itinakda ang pag-uusap ng dalawa kay Chinese President Xi Jinpeng para hikayatin ang China sa pakikipag-alyansa sa Europa.
Ang dalawa ay siyang pinakabagong European liders na bumisita sa China dahil noong nakaraang mga buwan ay bumisita na rin sina German Chancellor Olaf Scholz at Spanish Prime Minister Pedro Sánchez.
Inaasahan na hihikayatin ng dalawa ang Chinese lider na kausapin si Russian President Vladimir Putin para tuluyan ng itigil ang pananakop nito sa Ukraine.